Pia, tinatanong kung kelan magkaka-baby, naimbyerna!

Pia Wurtzbach

Ni Ronnie Carrasco III

Manila, Philippines- Hindi itinago ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang pagkainis when she posted Instagram Stories.

May isa kasing netizen ang nagtanong kung kailan balak magkaanak ng dating beauty queen.

A seemingly peeved Pia responded to her follower’s question.

Aniya, kada apat na tanong daw sa kanya, isa roon ay laging may kinalaman sa kanyang planong magka-baby.

Matatandang March nang ikasal si Pia sa entrepreneur na si Jeremy Jauncey sa beach off the shores of Seychelles.

Ayon kay Pia, noon daw ang palaging tanong sa kanya ay kung kelan siya mag-aasawa.

After their wedding, here comes the question: when does she plan to have kids?

Bagama’t both excited and concerned para sa kanya ang kanyang mga followers who never get tired of asking the same questions, ani Pia ay “too personal” na raw ito.

Dagdag pa niya: “Why do some people treat it as a normal thing?”

Sa mundo ng showbiz, hindi lang si Pia is caught in that predicament.

Maging ang mag-asawang Megan Young and Mikael Daez ay kinukulit din sa tanong kung kailan ang balak nilang magkaanak.

Ani Megan, hindi raw sila nape-pressure ni Mikael sa tanong bagkus ay ang mga nag-uusisa ang nape-pressure.

In Pia’s case, hayaan muna nating i-enjoy nila ni Jeremy ang isa’t isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Blogs