QC Media Center, Binuksan para Palakasin ang Mas Mabilis at Tamang Impormasyon sa Publiko

By : Shaine Pe

Pormal nang binuksan ng Quezon City Government ang Media Center na matatagpuan sa Community Center Building sa loob ng QC Hall Compound.Magsisilbing pasilidad ang Media Center para sa mga mamamahayag na nakatalaga sa Quezon City. Nilagyan ito ng mga computer at audio rooms na maaaring gamitin sa pagsusulat ng balita at pagre-record ng voice-over para sa kanilang mga ulat.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang pagtatatag ng media center ay pagkilala sa mahalagang papel ng media sa paghahatid ng impormasyon sa publiko.Sa pamamagitan ng pasilidad na ito, inaasahang higit pang mapapalakas at mapapabilis ang pagbibigay ng tama at napapanahong impormasyon tungkol sa mga programa at serbisyo ng pamahalaan para sa mga residente ng lungsod.Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pagbubukas ng pasilidad kasama ang mga kinatawan ng iba’t ibang media organizations sa lungsod at mga department head ng pamahalaang lungsod.